^

Metro

65 anyos nanumpa na rin sa wakas bilang abogado

-
Dahil sa sobrang katandaan, pinayagan na rin sa wakas ng Korte Suprema na makapanumpa bilang abogado ang isang lalaking matagal nang panahon ay nakapagtapos ng abogasya at nakapasa sa bar.

Si Severino de Leon Jr., ay pinayagan na ng Korte Suprema na makapanumpa bilang abogado makaraan ang mahabang panahong pagmakaawa nito.

Batay sa rekord, si Severino ay hindi pinayagan ng SC na maging abogado matapos na siya ay ireklamo ng asawang si Meleny noong Marso 14, 1966 dahil sa gusto umano siyang sunugin ni Severino.

Noong Abril 26, 1966 ibinasura ng city prosecutor ng Bacolod City ang nasabing reklamo matapos na magsumite mismo si Meleny ng affidavit of desistance.

Inamin ni Meleny na gawa-gawa lamang umano niya ang naturang akusasyon dahil sa matinding selos at sinunog lamang umano niya ang kanyang sarili upang ipakita sa korte.

Sa apat na pahinang resolusyon, sinabi ng Korte Suprema na napatunayan ni Severino sa loob ng 35-taon nitong pagmamakaawa ang malaking respeto sa korte upang igiit na maging miyembro nito.

Sa edad na 65-anyos nakuha din ni Severino ang titulo ng pagiging abogado. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

BACOLOD CITY

BATAY

DAHIL

GRACE AMARGO

KORTE SUPREMA

LEON JR.

MELENY

NOONG ABRIL

SEVERINO

SI SEVERINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with