^

Metro

Pulis Maynila,7 pa inaresto sa pangha-hijack

-
Isang pulis-Maynila at pito pa ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Western Police District (WPD) kaugnay sa naganap na pangha-hijack sa isang container van na naglalaman ng rubber tires, kamakailan sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 532 (Anti-Piracy and Anti- Highway Robbery law) ang mga suspect na nakilalang sina PO3 Romeo Noriega, 37; Joel Marcelo, 40; Alfredo Catubis, 31; Jay Byron Ilagan, 29; Rey Manalaysay, 36; Luis Flores, 31; Joaquin Malabanan, 39, at Frederick Manalaysay, 31.

Base sa imbestigasyon ng Domestic Intelligence Services Field, noong hapon ng Nobyembre 16 nang ma-hijack ang isang 40 ft. container van na naglalaman ng rubber tires na nagkakahalaga ng P.7 milyon sa pakikipagsabwatan ng driver na si Roger Lepasana.

Matapos malimas ang laman ng truck ay inabandona ng mga suspect sa may R-10 Road sa Navotas ang naturang sasakyan.

Sa isinagawang follow-up operation nasakote ang walong suspect habang dala pa ang ilang piraso ng rubber tires na kanilang hinayjack. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALFREDO CATUBIS

ANTI-PIRACY AND ANTI

CALOOCAN CITY

DOMESTIC INTELLIGENCE SERVICES FIELD

ELLEN FERNANDO

FREDERICK MANALAYSAY

HIGHWAY ROBBERY

JAY BYRON ILAGAN

JOAQUIN MALABANAN

JOEL MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with