^

Metro

Ex-Comelec official idiiniin ng 4 saksi sa Cinco ambush-slay

-
Inihayag kahapon ng Western Police District (WPD) na apat na testigo na ang nagbigay ng pahayag na nagdidiin sa isang dating mataas na opisyal ng Commission on Election (Comelec) na umano’y utak sa pagpaslang kay Comelec Director III Velma Cinco, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Det. Solomon Bataller, may hawak ng kaso na apat na testigo na ang nagbigay ng pahayag na nagdidiin sa pangalan ni Atty. Angelina Matibag na siyang pinalitan ni Cinco sa puwesto na siyang nagbitaw ng mga maaanghang na salita sa nasawi bago maganap ang pananambang.

Inihayag naman ni Matibag na wala siyang kinalaman sa naganap na krimen at wala rin umano siyang kakayahan para isagawa ito.

Ang pagkakadawit umano sa kanyang pangalan ay isang demolition job ni Comelec chairman Alfredo Benipayo dahil may inihain siyang kaso laban dito.

Niliwanag naman ni Bataller na ang apat na testigo ay hindi mga witness sa krimen na direktang makapagtuturo sa mga pinaniniwalaang hired killer.

Isa sa mahigpit na tinututukang anggulo ng WPD ay may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa isinagawang pagpaslang kay Cinco,63. Ito rin ang paniwala ni Comelec Chairman Benipayo.

Isa pa sa tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ay ang umano’y milyun-milyong ilegal na transakyon sa nasabing komisyon.

Samantala, inihayag naman ni Commissioner Luzviminda Tancangco na dapat din umanong siyasatin si Chairman Benipayo dahil hindi umano maaalis na baka pakana lamang ito.

Magugunita na pinaslang si Cinco kamakalawa ng umaga habang ito ay lulan ng kanilang pulang KIA Pride. Sugatan din sa insidente ang kanyang anak na si Carlo, 37. (Ulat nina Ellen Fernando at Andi Garcia)

vuukle comment

ALFREDO BENIPAYO

ANDI GARCIA

ANGELINA MATIBAG

CHAIRMAN BENIPAYO

CINCO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENIPAYO

COMELEC DIRECTOR

COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

ELLEN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with