64 anyos na lola, hinalay
November 21, 2001 | 12:00am
Isang 64-anyos na lola ang nagharap ng reklamo laban sa isang construction worker na umanoy humalay sa kanya sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Nagtungo kahapon sa tanggapan ng Womens Desk ng Makati City police ang biktimang itinago sa pangalang Lola Teresita upang ipagharap ng reklamo ang suspect na si Roseto Alcog, 32, ng No. 27-A Sitio Paz, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City. Pinaghahanap ng pulisya ang nabanggit na suspect.
Sa reklamo ng biktimang si lola, naganap ang panghahalay sa kanya dakong alas-11:45 ng gabi sa kanyang bahay sa Nunez St., Brgy. Kasilawan ng lungsod na ito.
Sinabi nito na natutulog siya sa kanyang silid nang pumasok ang suspect na armado ng patalim. Agad umano siyang tinutukan sa leeg habang tinatanggal ang kanyang damit.
Hindi na umano siya nakapalag pa dahil sa malakas ang suspect hanggang sa maipagtagumpay nito ang panghahalay sa kanya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am