^

Metro

NEAT at NSAT binuwag na ni Roco

-
Binuwag na ni Department of Education (DepEd) Secretary Raul Roco ang matagal nang tinutuligsang National Elementary Aptitude Test (NEAT) at National Secondary Aptitude Test (NSAT) na ibinibigay sa mga graduating elementary at high school students kada taon.

Binuwag ni Roco ang naturang dalawang pagsusulit dahil sa wala umanong ginagawang pagbabago ang mga paaralan sa loob ng walong taong implementasyon nito kundi ang ipagmalaki ang kanilang passing rate upang makahatak ng mas maraming estudyante sa mga pribadong paaralan.

Hahalili naman dito ang binuo ni Roco na ‘diagnostic tests’ na isa umanong modified version ng dalawang pagsusulit na ipapatupad sa ilang sample group ng grade 3, grade 5, 1st at 3rd year high school students.

Sinabi ni Roco na layunin ng mga eksaminasyong ito na ma-monitor nila ang pag-unlad sa pag-aaral ng mga mag-aaral na isasailalim sa pagsusulit upang magawan ng paraan ng departamento kung saan nila mapapalakas ang pagtuturo sa mga ito.

Tatalakayin sa naturang pagsusulit ang mga aralin sa Math, Reading at Science na kasalukuyang binubuo na ng National Educational Testing and Research Center. Hindi tulad ng NEAT at NSAT, ipapatupad lamang ito sa ilang paaralan.

Nagbabala naman si Roco sa mga guro na huwag magbenta ng reviewer sa mga mag-aaral dahil sa hindi ito kailangan dahil sa walang special review na gaganapin.

Ang mga resulta sa pagsusulit ay malaman lamang umano ng mga opisyal ng paaralan dahil sa hindi ito makakaapekto sa grado ng mga kukuha nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BINUWAG

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HAHALILI

NATIONAL EDUCATIONAL TESTING AND RESEARCH CENTER

NATIONAL ELEMENTARY APTITUDE TEST

NATIONAL SECONDARY APTITUDE TEST

ROCO

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with