^

Metro

Comelec official patay sa ambush

-
Inambus at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan lulan sa isang motorsiklo ang officer-in-charge ng Commission on Elections (Comelec)-Education and Information Department kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Manila.

Lulan sa unahang upuan ng kanyang pulang Kia Pride na may plakang TDR-779 ang nasawing biktima na nakilalang si Velma Cinco, 63 buhat sa kanyang bahay sa 2319 St. sa Sta. Ana ng maganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga.

Ayon sa pulisya, kasama ni Cinco ang kanyang anak na si Carlo, 37 at kapatid na si Marian Sabarre Jayme nang harangin ang kanilang sinasakyan ng mga suspect na nakasuot ng sunglasses at may takip na tuwalya sa mukha lulan ng motorsiklo sa may panulukan ng Pedro Gil at Eden St.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng mga salarin ng bala ng baril ang sinasakyan ng mga biktima at matapos ang ginawang pananambang ay mabilis ng nagsitakas ang mga ito.

Mabilis na isinugod ang Comelec official sa Manila Doctors Hospital subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan. Nasugatan din sa naturang insidente ang kanyang anak na ginagamot naman sa Philippine General Hospital.

Sa ibinigay namang sworm statement sa Western Police District ng nakaligtas na si Jayme, sinabi nitong bago naganap ang pananambang ay nakakatanggap na ang matandang Cinco ng pagbabanta sa kanyang buhay sa isang director Matibag na buhat din sa nabanggit na tanggapan.

Naniniwala naman si Comelec Chairman Alfredo Benipayo na may kinalaman sa kanyang (Cinco) trabaho sa Comelec ang ginawang pagpaslang dito at ito ay gawa ng professional killers.

Samantala, inatasan din kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez ang National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naganap na pag-ambus kay Cinco.

Sinabi ni Perez na kailangan nang maresolbahan ang naturang insidente nang pagpatay dahil sa pangambang dumami pa ang ganitong insidente. (Ulat nina Ellen Fernando,Andi Garcia at Grace Amargo)

vuukle comment

ANDI GARCIA

CINCO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

EDEN ST.

EDUCATION AND INFORMATION DEPARTMENT

ELLEN FERNANDO

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KIA PRIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with