1,100 pamilya nasunugan sa QC
November 20, 2001 | 12:00am
Lima katao ang iniulat na nasugatan, habang mahigit sa isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa may Barangay Culiat sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni FO2 Virgilio Agpaoa, ng Arson Division ng Bureau of Fire sa Quezon City ang mga nasugatan na sina Virginia Relloma, 101 anyos; Melinda Cilop, 37; Maria Fe Borja; Victor Relloma, 29 at Silvina Relloma, pawang taga-Metro Heights Compound ng nasabing barangay.
Nabatid sa ulat na nagsimula ang sunog sa gitnang bahagi ng nasabing sqautter area dakong alas-6:05 ng gabi. Umabot ito sa general alarm (Task Force India) at naapula dakong alas 7:34 ng gabi.
Nahirapan ang mga bumbero na agad na maapula ang apoy dahil maliliit na kalye mayroon sa naturang lugar.
Inaalam pa ng pamunuan ng pamatay-sunog ang tunay na dahilan ng naganap na sunog. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended