^

Metro

Pasyente tumalon mula sa 4th floor ng ospital, todas

-
Dahil sa ilang taong pagdurusa dahil sa sakit na tipos, isang pasyente ng Pasay City General Hospital ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikaapat na palapag ng nasabing gusali kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay kahapon ng madaling-araw ang biktimang si Avelino Boja, 18, binata, at nakatira sa #547-F P. Santos St., Malibay, Pasay City makaraang mabasag ang bungo nito at magkalasug-lasog ang katawan dahil sa pagtalon.

Ayon sa pulisya, naka-confine sa ospital ang biktima bago tumalon sa ikaapat na palapag dakong ala-4:45 ng hapon.

Bago maganap ang insidente, sinabi ng biktima sa kanyang kapatid na si Juanito na gusto na niyang magpakamatay dahil sa paghihirap sa kanyang karamdaman.

Pinayuhan naman siya ni Juanito na huwag gawin iyon dahil malulunasan na ang kanyang sakit.

Ilang sandali ay umalis si Juanito upang bumili ng gamot at inihabilin niya ang kapatid sa katabing nagbabantay ng ibang pasyente.

Nang bumalik ito sa silid, nagtaka ito nang makitang wala ang kanyang kapatid. Inakala niyang nasa CR ito kung kaya’t kinatok niya ito subalit wala namang sumasagot.

Napansin ni Juanito na bukas ang bintana kaya’t sumilip ito. Nagulat siya nang makita ang kapatid na nakatayo sa gilid ng gusali. Nagsisigaw si Juanito para pigilan ang kapatid subalit huli na dahil tumalon na ito.

Nagmadali siyang bumaba at pinuntahan ang kanyang kapatid na duguan at isinugod sa ospital subalit namatay din ito matapos ang masusing operasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AVELINO BOJA

AYON

BINAWIAN

F P

JUANITO

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with