Reklamo ng pupil vs guro iniurong
November 19, 2001 | 12:00am
Iniurong ng isang ama ang kanyang reklamo laban sa isang guro sa St. Paul School sa lungsod ng Makati na unang naiulat na nanampal sa kanyang anak na lalaki matapos na madiskubre ng una na walang katotohanan ang nasabing akusasyon.
Base sa affidavit of desistance na isinumete sa Makati City Prosecutors Office ni Hilarion Cabanatan, 37, may-asawa, ng No. 188 F. Guijo St., Fort Bonifacio, Brgy. Cembo ng nasabing lungsod, nakasaad na iniuurong na niya ang kanyang reklamong child abuse laban kay Carmen Quibac, teacher ng St. Paul School ng Brgy. Poblacion, Makati.
Magugunita na noong Nobyembre 6, taong ito, inireklamo si Quibac sa Makati City police complaint desk dahil sa sinampal umano nito ang anak ni Cabanatan na isa sa kanyang tinuturuan. Gayunman, nadiskubre ni Cabanatan na nadapa lamang ang anak at dahil sa kakulitan ng bata ay sinabi sa ama na sinampal siya ng kanyang guro. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am