BIR employee natagpuang patay
November 19, 2001 | 12:00am
Naagnas na nang matagpuan ng kanyang mga kapitbahay ang bangkay ng isang retiradong empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng hagdan ng bahay nito sa Quezon City kahapon.
Halos hindi na makilala ang biktimang si Vicente dela Llagas, 67-anyos ng #4 Senatorial St., Congressional Village, Proj. 8, Q.C. dahil sa halos kalahati umano ng katawan nito ay naaagnas na.
Sa pahayag ng kapitbahay ng biktima na si Marco Miranda sa pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang maamoy nila ang masangsang at tila nabubulok na bagay na nagmumula sa tirahan ng biktima. Napilitan nilang distrungkahin ang nakakandadong bahay ng biktima hanggang sa tumambad ang nabubulok na bangkay ng huli.Huling nakitang buhay ang biktima noong Nobyembre 10 kasama ang katulong nito na nakilala sa pangalang Romy, may isang linggo na ang nakalilipas.
Magulo umano ang buong kabahayan at nabatid na nawawala ang mga mahahalagang kagamitan at dokumento ng biktima bunsod upang paniwalaang pagnanakaw ang motibo sa krimen. Nawawala rin ang Nissan Sentra Ex Saloon (UPK-527) ng biktima na kinumpirma naman ng anak nitong si Kiandell. Isinasailalim na sa awtopsiya ang bangkay ni Llagas. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended