4 pulis kinasuhan ng pagpaslang sa trader
November 18, 2001 | 12:00am
Apat na miyembro ng Central Police District-Mobile Patrol Unit ang nahaharap ngayon sa kasong murder sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa pagpaslang sa isang negosyante noong nakalipas na Enero.
Ang mga kinasuhan sa sala ni Judge Jose Catral-Mendoza ay sina SPO1 Apollo Tamayo; SPO1 Jacobo Miranda; SPO4 Renato Condes at SPO3 Laureto Leal.
Batay sa rekord ng korte, binaril at napatay umano ng mga nabanggit na pulis ang biktimang si Ciriaco Cortez, ng Quezon City habang ito ay lulan sa isang kotse na nakaparada sa may Balintawak noong madaling araw ng Enero 13.
Si Cortez kasama ang isang nagngangalang Juvy Resonable ay papunta umano sa San Pedro, Laguna nang dumating ang mga akusado sakay ng kanilang mobile at saka sinita ang biktima.
Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang may narinig na mga putok at bumulagta na lamang ang negosyante.
Batay sa pahayag ng isang testigo, si Miranda umano ang bumaril kay Cortez.
Nang umalis ang mga akusado ay nakita umano ng testigo na mayroong baril na nakalagay sa kanang kamay ng biktima. Binanggit pa ng testigo na kilala niya ang nasawi bilang isang left-handed.
Sinabi naman ni Assistant City Prosecutor Rolando Mislang na mayroong sapat na ebidensiya upang litisin sa korte ang mga akusado dahil hindi napatunayan ng mga ito na nagkaroon ng shootout.
Walang inirekomendang piyansa laban sa mga akusado. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended