Electrician napilitang magnakaw para pambayad sa panganganak ng misis
November 18, 2001 | 12:00am
Isang electrician ang dinakip ng pulisya matapos umano itong magnakaw ng fiber optic cable upang may perang panggastos sa panganganak ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Kinilala ang suspect na si Marlon Binalla, nakatira sa #245 Santolan Road, San Juan, na nakakulong ngayon sa Mandaluyong City Police dahil sa kasong qualified theft.
Samantala, ang nagsampa ng kaso ay nakilalang si Leonardo Martinez, 45, senior technician ng Eastern Telecom na matatagpuan sa Ortigas Avenue.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Ruperto Martin, naganap ang insidente dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Connecticut St., Ortigas Ave. ng lungsod na ito.
Ayon sa guwardiya na si Cesar Telan, papalabas siya ng gate nang mamataan niya na pinuputol at ninakaw umano ni Binalla ang cable wire na pag-aari ng Eastern Telecom.
Kaagad na ipinagbigay-alam ni Telan sa may kapangyarihan ang insidente na naging dahilan ng pagkakaaresto sa nasabing suspect.
Kinatwiran ni Binalla na wala siyang perang gagamitin sa panganganak ng kanyang asawa kaya niya nagawang magnakaw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended