^

Metro

Amok: 2 patay, 1 sugatan

-
Minsan pang nagkaroon ng katuparan ang kasabihang, "Magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising".

Ito’y makaraang dalawa katao ang iniulat na nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang isang binirong bagong gising kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Fernando "Ambong" Guarin, ng 25 Acacia St., Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod. Ito ay nasawi makaraang magtamo ng maraming taga sa kanyang katawan. Nasawi rin sa naturang insidente ang amok na nakilalang si Prudencio Reglamante, 56, ng nabanggit ding lugar at kumpare ni Ambong, makaraang mabaril ng nagrespondeng tauhan ng pulisya.

Samantala, nasa kritikal pa ring kondisyon ang asawa ni Ambong na nakilalang si Vilma na nagtamo rin ng mga taga sa katawan.

Batay sa ulat na natanggap ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, kagigising lamang ng suspect ng biruin ng kanyang kumpare na si Ambong na hindi nagustuhan ng una. Nagdilim agad umano ang paningin nito at biglang kumuha ng jungle bolo at saka hinabol ang kanyang kumpare.

Inabutan ng amok ang biktima sa may kangkungan sa nasabing lugar at doon sunud-sunod na inundayan ng taga.

Nakita naman ni Vilma ang ginagawa sa kanyang asawa kaya mabilis itong sumaklolo at tinangkang awatin ang kumpareng suspect subalit maging siya ay binalingan ng taga.

Nasaksihan naman ni PO1 Marlon Villanueva ang krimen kaya mabilis itong nagresponde at hinikayat na sumuko na ang suspect subalit maging siya ay tangkang lusubin ng taga ng amok kaya napilitan ang pulis na paputukan ito ng baril na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

ACACIA ST.

AMBONG

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

JHAY MEJIAS

MARLON VILLANUEVA

OLD BALARA

PRUDENCIO REGLAMANTE

QUEZON CITY

VILMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with