^

Metro

Heredera ng mayamang negosyante sa Australia, nakatakas sa kidnappers

-
Tinangkang dukutin noong nakalipas na Martes si Rosemarie Lacson Hancock, eredera ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Australia, ang yumaong si Langley Hancock, habang ito ay papauwi sa bahay niya sa Alabang.

Sa ulat na nabatid lamang kahapon, nagawa ni Rosemarie, 53, tubong Bacolod na manlaban sa kanyang mga abductors at magsisigaw na siyang nakatawag ng pansin sa maraming tao sa lugar.

Dahil sa maraming tao ang pumaligid at handang tumulong kay Rosemarie napilitan ang apat na kidnappers nito na bitiwan ang kanilang biktima na tinangka nilang ilipat ng sasakyan buhat sa sinasakyan nitong limousine.

Gayunman, nagtamo ito ng ilang pasa sa leeg at katawan at bali sa kanang kamay.

Si Rosemarie na dumating lamang sa Maynila noong nakalipas na Sabado ay nagpasyang paikliin ang kanyang bakasyon kasabay nang pagsasabing "hindi na umano ligtas na manatili sa Manila".

Napag-alaman na galing si Rosemarie sa Mandarin Hotel sa Makati at pauwi na ito sa Alabang nang harangin ng mga suspect ang kanyang limousine sa may viaduct sa South Superhighway. (Ulat ni Rey Arquiza)

ALABANG

BACOLOD

DAHIL

LANGLEY HANCOCK

MANDARIN HOTEL

REY ARQUIZA

ROSEMARIE

ROSEMARIE LACSON HANCOCK

SI ROSEMARIE

SOUTH SUPERHIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with