^

Metro

2 linggong deadline ng PNP vs kidnapping sa MM

-
Nagtakda ang Philippine National Police ng sarili nitong deadline na dalawang linggo para mabawasan kundi man ganap na masugpo ang bilang ng kaso ng pangingidnap sa Metro Manila.

Inihayag ito ni PNP NCRPO Chief, Chief Supt. Edgardo Aglipay sa isang panayam ng mga mamamahayag matapos dumalo sa pulong ng gabinete sa Malacañang kahapon.

Tinalakay sa pulong ng gabinete ang tumataas na bilang ng kidnapping sa Metro Manila matapos tumanggap si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga pagpuna sa lumalalang sitwasyong pangkapayapaan sa NCR mula sa maimpluwensiyang American Chamber of Commerce of the Philippines. Ang pinakahuli sa mga insidenteng ito ay ang pagkidnap sa anak na babae ng isang doktor.

May naitala nang 88 kaso ng kidnapping ang mga awtoridad ng PNP kabilang na ang 18 dayuhan.

Kaagad na hiningi ng Pangulo ang paliwanag ni Justice Secretary Hernando Perez, pinuno ng Anti-Crime Commission para magbigay-paliwanag sa isyu at ang PNP ay nagsagawa naman ng pagbalasa at nagtatag ng bagong anti-kidnapping task force.

Subalit itinanggi ni Interior and Local Government Secretary Jose D. Lina Jr. sa isang panayam na ang pagbalasang ginawa ay may kinalaman sa paglala ng bilang ng kaso ng kidnapping.

Sinabi pa ni Lina na ang pagbalasa ay bunga ng pag-aalis kay Deputy Director General Nestor Galvante bilang NCRPO Chief at muling itinalaga dito si Aglipay. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

AMERICAN CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILIPPINES

ANTI-CRIME COMMISSION

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL NESTOR GALVANTE

EDGARDO AGLIPAY

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LILIA A

LINA JR.

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with