^

Metro

Pulis-Maynila sugatan sa amok

-
Isang bagitong pulis-Maynila ang malubhang nasugatan matapos na tagain ng jungle bolo ng isang naghuhuramentadong pedicab driver makaraang magresponde ang una kasama ang iba pang pulis, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Nagtamo ng malalim na sugat sa kanyang kanang braso ang biktimang nakilalang si PO2 Ronald Batalla, 37, nakatalaga sa Western Police District-Station 4 sa Sampaloc.

Agad namang naaresto ng mga kasamahan ni Batalla ang suspect na si Mark Gil Demoreta, 23, ng Algeciras St., Sampaloc.

Sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagsimula ang kaguluhan matapos na mag-away ang suspect at ang asawa nito. Sinabi ng mga saksi na hindi tumigil sa pagbubunganga ang asawa ni Demoreta kaya ito nagwala at bumaba ng bahay dala ang isang jungle bolo.

Dahil sa kaguluhan, humingi ng tulong ang mga kapitbahay ng suspect sa pulisya dahil sa pangamba na manakit ang huli.

Nagresponde naman ang grupo ng biktima at tinangkang awatin ang suspect, subalit imbes na pumayapa ay nakuha pa nitong tagain ang biktimang pulis.

Dahil dito, agad namang kinuyog ng mga kasamahan ng biktima ang suspect na naging dahilan sa pagkaaresto nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALGECIRAS ST.

BATALLA

DAHIL

DEMORETA

ELLEN FERNANDO

ISANG

MARK GIL DEMORETA

MAYNILA

RONALD BATALLA

WESTERN POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with