^

Metro

Anak ng police colonel, 1 pa patay sa car mishap

-
Dalawa katao ang nasawi kabilang dito ang anak ng isang police colonel, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok sa poste ng Meralco ang kanilang sinasakyang kotse, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din si Ismael Ilagan, 20, ng Roxas District, Quezon City na anak ni Supt. Macario Ilagan na nakatalaga sa National Capital Region- Regional Operation and Planning Division sanhi nang pagkabasag ng bungo nito at pagkalasug-lasog ng katawan.

Samantala, hindi naman umabot pang buhay nang isugod sa Saint Agnes Hospital ang isa pang kasamahan ni Ilagan na nakilalang si Leandro Abakan, 36, ng nabanggit ding lugar.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa naturang pagamutan ang isa pang biktima na si Benny Balayan, 20.

Batay sa ulat, naganap ang aksidente dakong alas-12:10 ng madaling araw sa kasagsagan ng malakas na ulan sa kahabaan ng Roosevelt Avenue sa San Francisco del Monte sa Quezon City.

Nabatid na si Ilagan ang siyang nagmamaneho ng kanyang Mitsubishi Mirage na may plakang PBK-940 nang hindi nito mapansin ang isang poste ng Meralco sa naturang lugar.

Matapos sumalpok tatlong beses pang bumaligtad ang sasakyan ng mga biktima.

Halos nahirapan ang mga awtoridad na ilabas sa loob ng kotse ang mga biktima makaraang maipit ang mga ito sa nagkayupi-yuping parte ng sasakyan. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BENNY BALAYAN

ILAGAN

ISMAEL ILAGAN

JHAY MEJIAS

LEANDRO ABAKAN

MACARIO ILAGAN

MERALCO

MITSUBISHI MIRAGE

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with