Amang rapist tinarakan
November 13, 2001 | 12:00am
Sinaksak ng isang dalagita ang kanyang sariling ama na nagtangkang gumahasa sa kanya sa pangatlong pagkakataon, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Nagtamo ng isang saksak sa tiyan si Rolando Gonzales, 46, matadero, ng #343 Riverside,Tramo, Pasay City at ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH).
Kusa namang sumuko sa pulisya si Marie, (di-tunay na pangalan) at sinabing nagawa lamang niya iyon dahil sa ginawa sa kanya ng ama.
Sa salaysay ng biktima sa Pasay City police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Nabatid na tinangkang gahasain ng suspect ang sariling anak sa ikatlong pagkakataon.
Nagpumiglas ang biktima at mabilis na kumuha ng kutsilyo sa kusina. Sinundan siya ng ama subalit bago pa man siya mahalay ay inundayan niya ito ng saksak sa tiyan.
Hindi naman nagsisisi ang dalagita sa ginawang pananaksak sa ama. Aniya, kulang pa ang kanyang ginawa sa pagsira ng ama sa kanyang murang kapurihan.
Sinabi pa ng biktima na una siyang hinalay noong Oktubre 19 na nasundan pa ulit noong Nob. 6, 2001.
Idinagdag pa niya na madalas siyang sinasaktan ng ama sa tuwing tumututol ito sa pang-aabuso sa kanya. Subalit sa ikatlong pagkakataon ay hindi na niya pinalagpas ang muli sanang panghahalay sa kanya nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest