Bala para sa biktima naligaw sa driver, todas
November 13, 2001 | 12:00am
Isang jeepney driver ang namatay matapos tamaan ng ligaw na bala habang binabaril ng tatlong snatchers ang isang lalaki na inagawan nila ng kuwintas sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Gelardo Estrada, 33, ng #37 Serrano Lactao St., Doña Aurora, Banawe, Quezon City, sanhi ng isang tamang bala ng baril sa ulo.
Kaagad namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang suspect na tumangay sa gintong kuwintas sa isang nagngangalang Conrado Ryan Picazo, 19.
Bago ang insidente, inagaw ng tatlong snatchers ang kuwintas ni Picazo habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep na may plakang DHE-227 na bumabagtas sa Harrison bandang alas-7:35 ng gabi.
Hinabol ni Picazo ang mga suspect subalit pinaputukan siya ng mga ito na tumama naman sa biktimang si Estrada na nakasakay sa nakaparada nitong jeep sa nasabing lugar. Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended