^

Metro

P28M shabu nasamsam sa Pasig lab raid

-
Karagdagang P28 milyong halaga pa ng shabu ang nasamsam base sa kumpirmasyon ng Philippine National Police (PNP) crime laboratory sa isinagawang pagsalakay sa makeshift shabu laboratory sa Pasig City noong nakaraang Miyerkules.

Umaabot sa 14 na kilo ng shabu pa ang nakuha mula sa nasamsam pang mga kemikal.

Ang nadagdag na bilang ng ilegal na droga ay lalo pang nagdiin sa apat na suspect na mga Chinese nationals na naaresto sa kanilang laboratoryo ng shabu sa Capitol 8 Subd., Brgy. Kapitolyo.

Tatlo sa apat na suspect ang naaresto ng PNP na kinilalang sina Xingfu, Chua Chiy Li, Joey Lu habang tinutugis pa rin si Cai Hontian alyas Wah Yah.

Unang sinabi ng mga suspect na ang kanilang ginagawang shabu ay mababa ang kalidad dahil hinahaluan nila ito ng ephedrine at soda flakes.

Umabot na sa kabuuang 20 kilo ng droga ang nasamsam sa nasabing laboratoryo na inuupahan ng isang Xingfu Wang sa halagang P50,000.

Sa ulat na nilagdaan ni Insp. Vivian Sumobay, forensic chemical officer ng PNP crime ay lumilitaw na ang 14 kilo ng shabu ay nasa kulay brown na kristal na estado na nito. Ito, ani Sumobay, ay nasa proseso na ng crystalization.

Dahil dito ay sinabi ni Metro Manila Police Chief Deputy Director Edgardo Galvante na ang dami ng nasamsam na droga ay inaasahan pang tataas bunga ng pagkakasali sa bilang ng 14 kilong kinumpirma ng lagda ni Sumobay. (Ulat ni Non Alquitran)

CAI HONTIAN

CHUA CHIY LI

JOEY LU

METRO MANILA POLICE CHIEF DEPUTY DIRECTOR EDGARDO GALVANTE

NON ALQUITRAN

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SUMOBAY

VIVIAN SUMOBAY

WAH YAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with