^

Metro

Driver tigok sa live wire sa bakod ng konsehal

-
Nasawi ang isang 37-anyos na driver matapos makuryente sa live wire na nakapaligid sa bahay ng isang konsehal kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Kaagad na namatay sa lugar ng insidente at halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog ng katawan ang biktimang si Paulo Golla na residente ng Malabon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Antonio Desebelle ng Navotas police, dakong alas-3 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ni Konsehal Eduardo Lisan na matatagpuan sa 99 Gov. Pascual St. Brgy. San Jose Navotas.

Ayon sa salaysay ng ilang mga saksi, nakita na lamang umano nila ang biktima na may inaabot na kawayan sa bakod ni Lisan.

Subalit huli na umano upang bigyang babala ang nasawi dahilan sa nahawakan na nito ang kawad ng kuryente sa bakod ng konsehal.

Sinabi naman ni Desebelle na patuloy nilang iimbestigahan si konsehal Lisan kung bakit mayroong nakapaligid na live wire sa bahay nito gayung alam naman nito na posibleng makuryente ang mga taong dumadaan dito.

Inaalam din ng pulisya kung anong ginagawa ng nasawi sa harapan ng bahay ng konsehal gayung nakatira ito sa Malabon. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANTONIO DESEBELLE

AYON

GEMMA AMARGO

KONSEHAL EDUARDO LISAN

LISAN

MALABON CITY

NAVOTAS

PASCUAL ST. BRGY

PAULO GOLLA

SAN JOSE NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with