Binatilyo nagnakaw ng prutas, binoga ng sekyu
November 12, 2001 | 12:00am
Dahil sa pangako sa nakababatang kapatid na mapapasalubungan ng mansanas, napilitang magnakaw ang isang 17-anyos na binatilyo sa Nepa-Q Mart sanhi upang barilin ng isang guwardya kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center makaraang maubusan ng dugo ang biktima na si Gibson Gino, ng 138 Ermin Garcia St., Brgy. Pinagkaisahan, nasabing lungsod dahil sa tinamong tama ng .38 kalibreng baril sa hita.
Agad namang sumuko kay Supt. Walberto Mandin, Hepe ng Central Police District (CPD)-Station 10 ang suspect na si Jeffrey Ganib, security guard ng Baguio Security Agency at nakatalaga sa Nepa Q Mart.
Sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-6 ng umaga nang makita umano ni Ganib si Gino na pasimpleng dinadampot ang ilang piraso ng prutas.
Pinuntahan umano ng guwardya ang biktima upang komprontahin at arestuhin subalit bumunot umano ng patalim ang huli at inambahan ng saksak ang papalapit na guwardya.
Dahil dito, agad na binunot umano ni Ganib ang kanyang service firearm at pinaputukan sa hita ang biktima upang di makatakbo.
Sa kasamaang palad, sumabog ang plastik na bitbit ng biktima na may lamang mansanas kasabay ng pagbagsak nito sa lupa.
Agad na isinugod ang biktima sa nasabing ospital subalit sa walang tigil na pagdaloy ng dugo nito, siya ay binawian ng buhay. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am