Nagkatulo na, ipinakulong pa
November 10, 2001 | 12:00am
Tripleng kamalasan ang inabot ng isang 13-anyos na dalagita matapos na gahasain siya ng kapitbahay niyang lolo na naging dahilan nang pagkakaroon niya ng sakit na tulo at pagkatapos ay ipakulong pa ng suspect dahil sa umanoy pagnanakaw nito sa Pasig City.
Dumulog kamakalawa ng gabi sa Womens and Childrens Desk ng Pasig Police ang biktimang itinago sa pangalang Jenny at inireklamo ang suspect na si Roberto Delamas, 67, residente ng F. Intulan, Brgy. Bagong Ilog, ng nabanggit na lungsod.
Sa kanyang salaysay, sinabi nito na naganap umano ang panghahalay sa kanya ng suspect noong nakaraang Enero. Naglalakad umano siya pauwi sa kanilang bahay nang mapadaan sa bahay ng suspect na noon ay lango sa alak.
Hinarang umano siya ng lolong suspect at kinaladkad sa loob ng bahay na doon siya sapilitang ginahasa.
Napilitan lamang magtapat sa kanyang mga magulang ang batang biktima nang magkasakit ito ng tulo.
Samantala, nang mabatid ng suspect na irereklamo na siya ng biktima ay inunahan niya itong ipaaresto sa kasong pagnanakaw kung saan nakulong ang batang biktima ng may dalawang linggo sa Pasig detention cell.
Nakalaya lamang ito nang maglagak ng piyansa ang kanyang mga magulang at saka tuluyang inireklamo ang suspect na ngayon ay nagtatago na sa pulisya.
Nagpalabas na rin ang Pasig Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended