^

Metro

Traffic enforcer sinadyang bundulin ng hinuhuling motorista

-
Bali ang tadyang ng isang traffic enforcer matapos na sadyain siyang bundulin ng hinuli niyang motorista habang tinatangka niyang tanggalin ang plaka ng sasakyan nito, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Kinasuhan ng attempted homicide at assault on person ang nahuling suspect na si Feliciano Joya, 45, ng East Capitol Drive, Pasig City.

Samantalang nasa pagamutan pa rin ang biktimang si Henry Guansing, 30, ng Brgy. Sta. Rosa ng lungsod na ito.

Sa salaysay ni Guansing kay PO3 Efren Calix, may hawak ng kaso na kasalukuyan siyang nagmamando ng trapiko sa may Col. Flores St., Brgy. San Nicolas, Pasig City, dakong alas-8 ng umaga nang hulihin niya ang suspect dahil sa kasong obstruction.

Hindi umano ibinigay ni Joya ang kanyang lisensiya at itinanggi ang kanyang violation kaya’t napilitan siyang baklasin na lamang ang plaka ng Tamaraw FX na minamaneho nito.

Habang nasa likod siya ng sasakyan ay biglang pinaandar ng suspect ang makina at sinadyang bundulin ang biktima.

Agad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga kagawad ng pulisya na siyang umaresto kay Joya at nagdala sa kanya sa presinto. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

DANILO GARCIA

EFREN CALIX

FELICIANO JOYA

FLORES ST.

HABANG

HENRY GUANSING

JOYA

PASIG CITY

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with