^

Metro

Drug courier na pinatakas sa NAIA bubusisiin ng Kongreso

-
Nakatakdang imbestigahan ng Kongreso sa muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes ang mga opisyal ng customs na nakadestino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil umano sa pagpapatakas ng mga ito sa isang Taiwanese drug courier na nahulihan ng may P12.8 milyong halaga ng shabu.

Sa House resolution No. 284 na inihain ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, sinabi nito na dapat alamin kung papaanong nakatakas si Kang Tai Kun na pumasok sa bansa noong Setyembre 11 mula sa Xiamen, China sakay ng Flight PR 337 at nahulihan ng walong kilo ng shabu na itinago sa isang ceramic jar.

Dapat umanong ipaliwanag ng mga opisyal ng customs sa NAIA kung bakit nila pinakawalan si Kang Tai Kun, isang Taiwanese passport holder.

"Ang nakapagtataka pa, pinabayaan ng mga opisyal na ito ang suspect na makaalis ng bansa noong Setyembre 15, 2001 sakay ng China Airlines Flight CI 638", ani ni Gunigundo.

Kaugnay nito’y nanawagan si Gunigundo sa House Committee on Dangerous Drugs at Good Government na bilisan ang pagpapatawag sa mga customs officials upang makapagpaliwanag ang mga ito. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

CHINA AIRLINES FLIGHT

GOOD GOVERNMENT

GUNIGUNDO

HOUSE COMMITTEE

KANG TAI KUN

MAGTANGGOL GUNIGUNDO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SA HOUSE

SETYEMBRE

VALENZUELA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with