Sa isang memorandum na ipinadala ni NCRPO deputy director Chief/Supt. Edgar Galvante sa Pasig police, sinabi nito na nakarating kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza ang maraming referral letters na ito.
Pirmado habang ang iba ay gawa pa mismo umano ng ilang kilalang politiko at maiimpluwensyang tao na nilalapitan ng mga pulis para mapadali ang pag-apruba ng kanilang promosyon, re-assignment at recruitment.
Labag umano ito sa Chapter 2 at Chapter 3 Section 2.7 ng PNP Ethical Doctrine. (Ulat ni Danilo Garcia)