Balikbayan timbog sa mga dalang baril at bala
November 4, 2001 | 12:00am
Isang balikbayan ang dinakip ng mga kagawad ng Bureau of Customs (BoC) sa Centennial Terminal 2 nang tangkaing magpuslit ng dalawang baril at mga bala na walang kaukulang lisensiya.
Kinilala ni Atty. Adelina S. Molina, NAIA deputy collector for passenger services ang suspect na si Alexander Salillas, 61, isang US citizen, may hawak ng US passport at nakatira sa 91 Mapang-akit St., Diliman, Quezon City.
Si Salillas ay dumating kahapon bandang alas-3:45 ng umaga buhat sa Los Angeles, California lulan ng Philippine Airlines flight PR 103.
Nakumpiska buhat sa suspect ang isang cal. 25 pistol model VP-25, na may markang "Firearm Intl"; dalawang cal. 25 magazine na may 12 pirasong bala; isang cal. 32 pistol na may markang "Guardian North American Arms"; dalawang cal. 32 magazines na may 12 pirasong bala.
Sa isinagawang imbestigasyon, kasalukuyan umanong idinadaan ang kulay brown na suitcase ng suspect sa x-ray inspection nang mapansin ni John Torquiza, isang empleyado ng Customs na nakatalaga sa x-ray scanning unit ang imahe ng baril sa loob ng suitcase.
Kaagad na minarkahan ni Torquiza ng "X" ang bagahe ng suspect upang idaan sa isang masusing pagsusuri.
Nang pabuksan ng mga awtoridad ang bagahe ng suspect, tumambad ang mga baril at bala na nakabalot sa lumang damit. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended