^

Metro

Mister na makikipaghiwalay tinodas ni misis

-
Dahil sa hindi matanggap na makita niya ang kanyang mister sa piling ng mas batang babae, mas ninais na lamang ng isang misis na saksakin hanggang sa mapatay ang kanyang asawa nang magpaalam itong makikipaghiwalay na sa kanya, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Hindi kababakasan nang pagsisisi sa mukha nang sumuko sa pulisya ang suspect na misis na si Susan Grande,43, ng Block 38, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills matapos nitong patayin ang kanyang mister na si Roseldo,34, security guard.

Sa ulat ni PO2 Ruperto Martin, may hawak ng kaso, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng umaga sa loob ng kanilang bahay.

Nagbibihis na umano ang biktima para pumasok sa trabaho at isinabay nito ang pagtatapat sa kanyang misis patungkol sa balak nitong hiwalayan na ang huli at tuluyan nang makisama sa kanyang kalaguyo.

Nabatid na mas bata sa misis ang kalaguyo ni mister.

Sa kabila nito, nakiusap naman ang suspect na huwag muna siyang hiwalayan hanggang sa sumapit ang kanyang kaarawan sa Nobyembre 14, gayunman hindi siya pinagbigyan ng biktima kasabay nang paalam na hindi na siya uuwi sa kanila pagkatapos ng kanyang trabaho.

Dahil dito, tuluyan nang nagdilim ang paningin ng misis at mabilis na kumuha ng patalim at saka isinaksak sa dibdib ng kanyang mister na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Susan na nanaisin pa umano niya na makitang nasa kabaong ang kanyang asawa kaysa sa makita ito sa piling ng ibang babae dahil sa kanyang sobrang pagmamahal dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY ADDITION HILLS

DAHIL

DANILO GARCIA

KANYANG

MANDALUYONG CITY

NABATID

NAGBIBIHIS

RUPERTO MARTIN

SUSAN GRANDE

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with