Nabatid kay DENR-NCR director Sixto Tolentino na nag-isyu na ang kanyang tanggapan ng Notice of Violation (NoV) laban sa nasabing slaughterhouse na pagmamay-ari ng isang Ernesto Cunanan.
Inireklamo ng mga residente sa paligid ng slaughterhouse na matatagpuan sa Lapu-Lapu Ext., Kaunlaran Village, Caloocan City dahil sa epektong dinudulot nito sa kanilang kalusugan at sa kapaligiran.
Matindi umano ang epektong dinudulot sa mga residente sa paligid ng slaughterhouse ang waste at waste-water mula rito na nag-ooverflow na sa main roads ng Kaunlaran Village.
Hindi umano makapagpakita ang pamunuan ng slaughterhouse ng permits mula sa government agencies tulad ng Occupational Safety, Fire and Safety, sanitary permits at Water Rights permits for Deepwell and Clearance nang magtungo sa nabanggit na lugar ang DENR investigating team.
Bukod pa umano sa kawalan ng semi-annual report ng slaughterhouse sa DENR. (Ulat ni Angie dela Cruz)