^

Metro

Slaughter house sa Caloocan ipapasara ng DENR

-
Nanganganib na isara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang slaughterhouse sa Caloocan City dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng environmental compliance certificate (ECC) na naisyu sa kompanya noong Marso 31, 2000.

Nabatid kay DENR-NCR director Sixto Tolentino na nag-isyu na ang kanyang tanggapan ng Notice of Violation (NoV) laban sa nasabing slaughterhouse na pagmamay-ari ng isang Ernesto Cunanan.

Inireklamo ng mga residente sa paligid ng slaughterhouse na matatagpuan sa Lapu-Lapu Ext., Kaunlaran Village, Caloocan City dahil sa epektong dinudulot nito sa kanilang kalusugan at sa kapaligiran.

Matindi umano ang epektong dinudulot sa mga residente sa paligid ng slaughterhouse ang waste at waste-water mula rito na nag-ooverflow na sa main roads ng Kaunlaran Village.

Hindi umano makapagpakita ang pamunuan ng slaughterhouse ng permits mula sa government agencies tulad ng Occupational Safety, Fire and Safety, sanitary permits at Water Rights permits for Deepwell and Clearance nang magtungo sa nabanggit na lugar ang DENR investigating team.

Bukod pa umano sa kawalan ng semi-annual report ng slaughterhouse sa DENR. (Ulat ni Angie dela Cruz)

CALOOCAN CITY

DEEPWELL AND CLEARANCE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ERNESTO CUNANAN

FIRE AND SAFETY

KAUNLARAN VILLAGE

LAPU-LAPU EXT

NOTICE OF VIOLATION

OCCUPATIONAL SAFETY

SIXTO TOLENTINO

WATER RIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with