P20M libel suit iniharap ni Chavit vs Daily Tribune
October 31, 2001 | 12:00am
Nagsampa ng P20 milyong libel suit sa Quezon City Prosecutors Office si dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson laban sa ilang opisyal at reporter ng pahayagang Daily Tribune na dito lumabas ang istoryang ka-partner niya umano si First Gentleman Mike Arroyo sa operasyon ng jueteng sa Luzon.
Nakilala ang mga kinasuhan na sina Ninez Cacho-Olivarez, publisher at editor-in-chief ; Romulo Marinas, news editor at Jaime Aquino, reporter ng lumabas na artikulo noong Oktubre 29 issue ng naturang pahayagan.
Batay sa reklamo ni Singson na residente ng Blue Ridge, Quezon City, sinabi nito ang artikulong "Mike A is Chavits Partner in Jueteng" ay walang sapat na basehan at nais lamang na manira ng kanyang pagkatao.
Aniya hindi umano pinangalanan sa naturang artikulo ang isang congressman na nagsasabing si Arroyo ang siyang nasa likod ng operasyon ng jueteng sa Luzon kung kayat hindi magawa ng pulisya na masugpo ito. Nakasaad pa dito na si Arroyo ay may bahagi na 30 porsiyento mula sa kita ng jueteng.
Sinabi ni Singson na ang lumabas na balita ay isang paninirang puri lamang. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest