^

Metro

Ampon, 3 pa nanloob, pumatay sa lola timbog

-
Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District Office (CIU-CPDO) ang apat katao kabilang ang isang 16-anyos na ampon na sangkot sa pagnanakaw at pagpaslang sa isang 80-anyos na lola, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga suspect na sina Erwin Escalante, 28; Danilo Javier, 27; Rodolfo Panderas, 26 at ang ampon na si Angelo Alvarado ay dinakip ng pulisya makaraang matagpuang patay ang biktimang lola na nakilalang si Consortia Alvarado, biyuda at naninirahan sa 35 New York St., Brgy. Pinagkaisahan ng nasabing lungsod.

Nauna rito, dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi ng matagpuan ang bangkay ng matandang Alvarado ng kanyang ampon na si Angelo sa may pintuan ng kanilang bahay na nakahandusay at duguan. Basag ang bungo ng matanda, may masking tape sa bibig at nakalilis ang duster.

Bukod dito, nagtamo rin ang biktima ng mga saksak sa kanyang katawan.

Binanggit sa isinagawang inisyal na imbestigasyon na natagpuan ni Angelo ang bangkay ng kanyang lola pagdating niya galing sa paglalaro ng video game hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Binanggit pa nito na magulo rin ang buo nilang kabahayan.

Sa isinagawang follow-up operation itinuro ni Angelo sina Escalante na siyang nagsagawa ng krimen, ngunit nang iniharap ang mga ito sa una ay itinuturo din ang batang Alvarado na ampon ng biktima na siyang nagpakana sa krimen.

Ang apat ay kasalukuyang nakapiit sa CIU-CPDO at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.(Ulat ni Jhay Mejias)

ALVARADO

ANGELO

ANGELO ALVARADO

BINANGGIT

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CONSORTIA ALVARADO

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO JAVIER

ERWIN ESCALANTE

JHAY MEJIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with