^

Metro

Pamahalaang lokal ng QC, handa rin sa Nov. 1

-
Iniutos kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano ‘SB’ Belmonte, Jr. ang mga opisyal ng Central Police District at mga traffic enforcers na makipagkoordinasyon sa isa’t isa upang tiyakin na hindi maninikip ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan patungo sa mga pampubliko at pampribadong sementeryo sa paggunita ng All Saints’ Day o Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

Inatasan ni Mayor Belmonte si CPD Director Chief Supt. Rodolfo Tor na magpakalat ng unipormadong pulis sa mga terminal ng bus na inaasahang dadagsain ng daan-daang commuters na magtutungo sa kani-kanilang probinsya para mag-alay ng mga bulaklak at kandila sa mga puntod ng kanilang kaanak.

Tiniyak ni SB sa publiko na ang pamahalaang lungsod ay nakapaghanda para iseguro ang katahimikan at kaayusan laban sa mga masasamang loob na gustong manabotahe at ang pagkakaroon ng maayos na daloy ng trapiko patungo sa pitong pampubliko at pribadong sementeryo sa nasabing araw ng paggunita.

Sinabi naman ni Manuel Sabalza, ng department of public order and safety na magtatalaga siya ng mga traffic enforcers upang tumulong sa mga operatiba ng CPD at ng Metro Manila Development Authority sa pagmamantine ng peace and order.

Imomobilisa rin ni SB ang mga personnel ng mga sementeryo sa pamumuno ni Emilio del Prado, upang lalong matiyak na walang mangyayaring anumang kaguluhan sa nasabing araw.

Ang "Oplan Kaluluwa 2001", isang traffic Management plan sa All Saints Day at All Soul’s Day sa Nov. 1 at 2 ng Central District Traffic Management Unit ay ang siyang mangangasiwa hindi lamang sa traffic enforcement kundi sa pagtatanggal din ng mga obstruction o harang sa mga ruta patungo sa mga sementeryo. (Ulat ni Doris Franche)

ALL SAINTS

ALL SAINTS DAY

ALL SOUL

CENTRAL DISTRICT TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

CENTRAL POLICE DISTRICT

DIRECTOR CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

MANUEL SABALZA

MAYOR BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with