^

Metro

Pulis, 1 pa binoga ng holdaper

-
Dalawa ang sugatan at nasa malubhang kalagayan, kabilang na ang isang baguhang pulis matapos na mabaril ng isang holdaper na agad namang naaresto, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kapwa ginagamot ngayon sa Pasig City General Hospital ang mga biktimang nakilalang sina PO1 Adan Pagkatipunan ng Pasig Police Mobile Unit at Jose Paor, 43, negosyante, ng Ramos St., Brgy. Rosario, Pasig City.

Nabatid na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kaliwang braso si Pagkatipunan habang tinamaan naman sa katawan si Paor.

Kasalukuyan namang nakadetine ngayon sa Pasig detention cell ang suspect na nakilalang si Bobby Imperial, 40, ng Brgy. Napico. Inihahanda ngayon ang mga kasong robbery with double frustrated homicide laban sa kanya.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nakasakay sa kanyang kotse si Paor sa harap ng kanyang bahay dakong alas-10 ng gabi nang huminto ang isang motorsiklo sa kanyang harapan kung saan sakay si Imperial.

Agad na tinutukan ng suspect si Paor ng .38 kalibreng rebolber at nagpahayag ng holdap. Dahil naman umano sa takot na manlaban ang biktima, agad na pinaputukan ito ng suspect bago kinuha ang wallet at mga alahas nito.

Narinig naman ang putok ni Pagkatipunan na sakay ng mobile at rumesponde sa naturang lugar. Dito nagkaroon ng palitan ng putok habang naghahabulan kung saan tinamaan ang pulis.

Isa namang mobile car ang sumalubong sa suspect, sanhi ng kanyang pagkakaaresto. Narekober sa kanya ang baril, pera at alahas na tinangay niya kay Paor. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADAN PAGKATIPUNAN

BOBBY IMPERIAL

BRGY

DANILO GARCIA

JOSE PAOR

PAGKATIPUNAN

PAOR

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG POLICE MOBILE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with