Ayon kay Ferdie Gaite, Presidente ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government(COURAGE), labis na silang naiinip sa isasagawang imbestigasyon laban sa ilan umanoy tiwaling pamamalakad ng pamunuan ng GSIS.
Binatikos ng grupo ang kasalukuyang gobyerno dahil sa umanoy delaying tactics nito sa imbestigasyon.
Umaasa pa rin ang grupo na sa darating na mga buwan ay sisimulan na ang imbestigasyon matapos na ipasa ang resolusyon ni Bayan Muna Sectoral Rep. at Kilusang Mayo Uno Chairman, Crispin Beltran sa Kongreso.
Binatikos din ng KMU ang umanoy pananatili ni GSIS President Winston Garcia at ilang matataas na opisyal ng nasabing ahensya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)