^

Metro

Delaying tactics sa anomalya sa GSIS kinondena

-
Kinondena ng mga militanteng grupo ang umano’y delaying tactics ng kasalukuyang pamahalaan para sa nakatakdang imbestigasyon hinggil sa ilang katiwaliang kinasasangkutan ng pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay Ferdie Gaite, Presidente ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government(COURAGE), labis na silang naiinip sa isasagawang imbestigasyon laban sa ilan umano’y tiwaling pamamalakad ng pamunuan ng GSIS.

Binatikos ng grupo ang kasalukuyang gobyerno dahil sa umano’y delaying tactics nito sa imbestigasyon.

Umaasa pa rin ang grupo na sa darating na mga buwan ay sisimulan na ang imbestigasyon matapos na ipasa ang resolusyon ni Bayan Muna Sectoral Rep. at Kilusang Mayo Uno Chairman, Crispin Beltran sa Kongreso.

Binatikos din ng KMU ang umano’y pananatili ni GSIS President Winston Garcia at ilang matataas na opisyal ng nasabing ahensya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BAYAN MUNA SECTORAL REP

BINATIKOS

CRISPIN BELTRAN

FERDIE GAITE

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

KILUSANG MAYO UNO CHAIRMAN

LORDETH BONILLA

PRESIDENT WINSTON GARCIA

UNITY RECOGNITION AND ADVANCEMENT OF GOVERNMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with