Most wanted sa Malabon naaresto
October 29, 2001 | 12:00am
Nadakip na ng mga operatiba ng Northern Police District-Intelligence Unit ang tinaguriang most wanted man sa lungsod ng Malabon dahil sa anim na kasong kriminal na kinasasangkutan nito.
Kinilala ni Chief Insp. Sotero Ramos, Jr., Hepe ng CPD-DPIU ang suspect na si Richard Napalit, 23, ng Block 14-B, Lot 40, Phase 3, Brgy. Longos, Malabon City.
Si Ramos ang itinuturong nagtangkang pumatay sa kanyang kapitbahay na estudyanteng si Angelo Lorica.
Bukod dito, ang suspect din ang umanoy responsable sa brutal na pagpatay sa isang Joseph Ginete ng Brgy. 14 District II, Zone 2, Caloocan City at pagkakasugat sa kapitbahay nito na si Glenn Guanzon.
Nasa order of battle din ang suspect dahil sa pagkakasangkot sa serye ng holdapan sa nasabing lungsod. (Ulat ni Pete Laude)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended