^

Metro

2 Chinese absuwelto sa kaso ng droga

-
Pinawalang-sala ng Quezon City Regional Trial Court ang dalawang Chinese businessmen makaraang mabigo ang prosecution na patunayan na ang mga ito ay sangkot sa pagbebenta ng dalawang kilo ng shabu sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang buy-bust operation dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa pitong-pahinang desisyon ni Judge Monina Zenarosa ng Branch 76, ang pagkakaabsuwelto kina Chua Kien, alyas Leo Chui at Wu Wex , alyas Dennis Go ay batay na rin sa kawalan ng sapat na ebidensiyang iniharap ng prosecution laban sa dalawa.

Batay sa testimonya ng mga NBI agents, ang dalawang akusado ay inaresto noong Setyembre 22, 1999 sa Sanville Subdivision makaraang magbenta ng dalawang kilo ng shabu sa isang nagpanggap na buyer ng NBI.

Ang operasyon ay bunsod na rin sa pagkakadakip sa isang Roger Sy na nakuhanan din ng droga at drug paraphernalias sa kanyang bahay sa Tierra Evelina, Tandang Sora sa Quezon City. Si Sy umano ang nagbunyag sa NBI na ang dalawang Tsino ay mga supplier ng shabu.

Sa pahayag ni Kien sinabi nito na inaresto siya sa may Visayas Avenue at hindi sa Sanville Subdivision at hindi rin niya kakilala at kapwa niya akusado ang katunayan umano ay sa selda na ng NBI sila nagkita nito.

Itinanggi din ni Wex ang akusasyon na inaresto siya sa isang buy-bust operation.

Wala din umanong ebidensiya na ang nagpanggap na buyer ay nagpakita ng pera upang makumbinsi na siya nga ay bumili ng droga mula sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

CHUA KIEN

DENNIS GO

DORIS FRANCHE

JUDGE MONINA ZENAROSA

LEO CHUI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROGER SY

SANVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with