Supermarket nilooban; P 1-M natangay
October 24, 2001 | 12:00am
Nilooban ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang isang supermarket kung saan nakatangay ito ng mahigit sa P1 milyong cash, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Iniulat ni Tan To, treasurer ng Cherry Foodarama na nasa Shaw Boulevard, Mandaluyong City na naganap ang nakawan sa loob ng accounting office nito.
Sa imbestigasyon ni PO3 Romarico Sta. Maria, posible umanong naganap ang pagnanakaw sa pagitan ng alas-9 ng gabi hanggang alas-9 ng umaga.
Binanggit pa ni To, na nadiskubre niya ang nakawan nang pumasok siya sa kanyang opisina at makitang nagkalat ang gamit sa loob nito.
Dito rin niya nadiskubre na puwersahang winasak ng mga magnanakaw ang vault ng supermarket na naglalaman ng P900,000 cash at P112,000 personal niyang pera.
Sinabi pa ni Sta. Maria na gumamit umano ng lagaring bakal ang mga magnanakaw sa pagputol sa bisagra ng safety vault.
Inaalam pa rin nila ngayon ang posibilidad na inside job ang naganap na panloloob. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended