6-anyos nabaril ng kapitbahay, patay
October 24, 2001 | 12:00am
Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi makaraang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala mula sa kapitbahay nito habang nililinis ng huli ang kanyang baril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay sa Quirino Labor Hospital ang biktimang si Caramia Recto ng Park 7 Compound, Brgy. Loyola Heights sa Quezon CIty, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .38 kalibre ng baril sa kanyang kilikili.
Habang kusang sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Oscar Lope Decis, 34, walang trabaho at kapitbahay ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Dennis Basibas ng CPD-Criminal Investigation Unit, may hawak ng kaso, pasado alas-6 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing compound.
Napag-alaman na kasalukuyan umanong nililinis ng suspect ang kanyang baril habang nagkataon ding naglalaro ang biktima kasama ang ibang mga bata di kalayuan sa bahay ng huli.
Ilang saglit pa habang pinupunasan ni Decis ang hawak niyang baril ay hindi sinasadyang nakalabit nito ang gatilyo at pumutok at saka tinamaan ang biktima na kasalukuyang naglalaro.
Nagulat na lamang ang suspect nang makita niyang nakabulagta ang biktima at duguan.
Kaagad namang isinugod ng suspect ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na nagawang mailigtas pa ng mga doktor sanhi ng tinamo nitong tama sa kilikili na lumagos sa dibdib.
Sa ngayon ay sising-sisi ang suspect na kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan at nakatakdang sampahan ng kasong homicide at illegal possession of firearms sa Quezon City Prosecutors Office. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended