Ito ang inihayag ni Eliseo Rio Jr., chairman ng NTC, matapos na mawalang-bisa ang temporary restraining order na isinampa ng isang grupo ng consumer sa Quezon City Regional Trial Court na ipinasa sa Court of Appeals laban sa mga cell companies.
Sa naturang kaso, inireklamo ng mga consumer ang mababang kalidad ng serbisyo ng mga cell companies. Hiniling nila na magpatupad ng mga "consumer friendly" measures para makabawi sa kanilang pagkukulang ang mga kumpanya, partikular na ang Smart at Globe.
Sa ilalim nito, kung sumisingil ng P8 kada tawag, nagkakahalaga lamang ng P80 sentimo ang kada 10 segundong tawag. Kung gagamit lamang ng 20 segundo ang isang subscriber sa kanyang tawag, nagkakahalaga lamang ito ng P1.60.
Bukod dito, pinag-aaralan ding ipatupad ang ekstensyon ng expiration date ng cell card na dating 2 buwan tungo sa 2 taon, maayos na billing system para sa mga nakalinyang subscriber; nasa oras na pagpapadala ng kanilang bill na kung tatagal ito ng 180 araw ay mababalewala na ang bill na babayaran; at pagbibigay ng pangalan at iba pang personal na detalye sa mga bagong bibili ng sim cards. (Ulat ni Danilo Garcia)