^

Metro

Mayor Mitra sinuspinde ng Ombudsman

-
Ipinag-utos kahapon ni Ombudsman Aniano Desierto ang pagsailalim sa preventive suspension ni Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Mitra kasama ang driver nito na si Javier Morilla at security aide na si Ruel Dequilla kaugnay sa nasamsam sa kanilang humigit-kumulang sa 503.68 kilos ng shabu.

Ang suspension ay isinagawa base na rin sa administrative complaint na iniharap noong nakalipas na linggo ni DILG Secretary Jose Lina sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga nabanggit na kinasuhan ng grave misconduct at abuse of authority.

Magugunitang si Mayor Mitra at ang dalawang municipal employees ay nahuli ng composite team buhat sa PNP Narcotics Group at sa National Bureau of Investigation sa pakikipagtulungan ng Quezon PNP Provincial Mobile Group habang inieskortan ang isang ambulansiya na naglalaman ng droga na pag-aari ng munisipalidad noong hapon ng Oktubre 13, 2001 sa Barangay Kiloloran, Real, Quezon Province.

Matapos ang isinagawang eksaminasyon nakumpirma ng NBI at PNP laboratory na ang mga nasamsam na kontrabando ay mga shabu.

Sa kanyang kautusan, sinabi ni Desierto na ang charges laban sa tatlo na maaari pang maging dahilan ng pagdismis sa kanila sa serbisyo sakaling mapatunayan. Idinagdag pa nito na ang temporary suspension sa tatlo ay agad na magkakaroon ng epektibo na kailangang ipatupad ng DILG secretary. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

BARANGAY KILOLORAN

GRACE AMARGO

JAVIER MORILLA

MAYOR MITRA

NARCOTICS GROUP

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PROVINCIAL MOBILE GROUP

QUEZON MAYOR RONNIE MITRA

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with