^

Metro

Drug queen hinatulan ng habambuhay

-
Nakaligtas sa parusang bitay at habambuhay na pagkabilanggo lamang ang iginawad na hatol ng hukuman sa isang tinaguriang "drug queen" matapos na mapatunayang nagkasala dahil sa pag-iingat ng 296.5 gramo ng shabu noong 1999 sa Pasay City.

Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Porfirio Macaraeg ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 110, bukod sa nasabing hatol ang akusadong si Rufina "Ning" Lovina, 67, ay pinagbabayad ng korte ng halagang P250,000 bilang danyos perwisyo nito.

Sa rekord ng korte, inaresto si Lovina ng mga operatiba ng Narcotics Group ng Philippine National Police noong Enero 17, 1999 sa Tolentino St., nasabing lungsod matapos na makumpiskahan ng nasabing droga.

Sa kabila ng kinakaharap na kaso, itinanggi ni Lovina sa hukuman ang akusasyon ng awtoridad.

Gayunman, sa mga iniharap na ebidensya laban sa kanya ay napatunayan ng korte na siya ay nagkasala bagaman nakaligtas siya sa bitay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ENERO

GAYUNMAN

JUDGE PORFIRIO MACARAEG

LORDETH BONILLA

LOVINA

NAKALIGTAS

NARCOTICS GROUP

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TOLENTINO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with