Dalaga pinatay sa bugbog ng lover
October 22, 2001 | 12:00am
Halos hindi na makilala ang mukha ng isang 22-anyos na babae matapos na mabasag nang gawing "punching bag" ng kanyang live-in partner hanggang sa malagutan ng hininga kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ilang oras lamang ang itinagal ng biktimang si Anna Lourdes Cabanes ng #15 Pansol, Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod sa East Avenue Medical Center(EAMC) at binawian din nang buhay dahil sa internal hemorrhage na tinamo nito bunga ng matinding pambubugbog sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspect na si Rogelio Cacenas na tumakas makaraan ang naturang insidente.
Sa ulat ng Central Police District Office-Criminal Investigation Unit (CPDO-CIU), dakong alas-7 ng gabi nang marinig ng mga kapitbahay ng mag-live-in ang kalabugan at palahaw ng babae.
Nauna rito, sinabi ng mga kapitbahay ng mag-live-in na may ilang araw na umanong naririnig na nag-aaway ang dalawa dahil sa pera.
Ngunit nito umanong huli ay naging matindi ang kalabugan at sigawan ng mag-live-in habang humihingi ng saklolo si Cabanes na tila hindi tinitigilan ng lalaki sa pananakit.
Dahil dito, nagtulung-tulong ang mga kapitbahay ng biktima na pasukin ang bahay nito hanggang sa magitla ang mga ito nang bumungad ang nakahandusay at halos duguang katawan ng babae na walang ulirat.
Mabilis na tumakas si Cacenas at agad namang isinugod sa naturang pagamutan ang biktima subalit idineklara ring patay ito habang nilalapatan ng lunas.
Ipinalalagay na bukod sa pambubugbog ay hinampas at pinagpapalo pa ng matigas na bagay ang katawan ng biktima sanhi ng kanyang inabot na matitinding pasa sa katawan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended