^

Metro

Mga nakahubad sa Marikina bawal na

-
Tuluyang mawawalan ng puwang ang mga kalalakihan na nagsisiga-sigaan at palaging nakahubad at ipinagyayabang pa ang kanilang mga tattoo, dahil sa kulungan ang kanilang babagsakan kapag nahuli silang walang damit pang-itaas sa mga kalsada sa Marikina City.

Muling binuhay ni Marikina Mayor Maridess Fernando ang Ordinance 38353 series of 1997 na isinasaad ang maayos na pananamit tuwing lalabas ang mga residente sa kanilang bahay. Ipinagbabawal dito ang mga taong nakahubad ng damit pang-itaas na tumambay sa lansangan.

Ayon kay Fernando, ito’y bahagi ng disiplinang ipinatutupad ng pamahalaang lokal para sa mga residente upang maging kaaya-ayang tingnan ang naturang lungsod. Maaari rin namang maghubad ang mga residente pero sa loob na ng kanilang mga tahanan.

Ang mga mahuhuling lalabag dito ay papatawan ng kaukulang multa at maaaring makulong sa paulit-ulit na paglabag dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

FERNANDO

IPINAGBABAWAL

MAAARI

MARIKINA CITY

MARIKINA MAYOR MARIDESS FERNANDO

TULUYANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with