^

Metro

1,000 pamilya nawalan ng tirahan sa QC fire

-
Tinatayang aabot sa 460 kabahayan ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Nabatid sa Quezon City Fire Station, pasado alas- 2 ng madaling araw ng magsimula ang sunog dahil sa umano’y pagsabog ng isang airconditioning unit ng isang Murito Agudo na nasa 37 Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan ng nabanggit na lungsod.

Ang nasabing sunog na umabot sa general alarm ay tumagal ng may tatlong oras.

Nabatid na may 1,000 pamilya naman ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog at ang mga ito ay kasalukuyang nanunuluyan sa Brgy. Pinyahan Elementary School.

Dalawang katao ang iniulat na nasugatan sa sunog, samantalang hindi pa mabatid kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BRGY

CRUZ

MAPAGBIGAY ST.

MURITO AGUDO

NABATID

PINYAHAN

PINYAHAN ELEMENTARY SCHOOL

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with