Anak na pumaslang sa ama, pinasusuko ng ina
October 18, 2001 | 12:00am
Ito ang panawagan kahapon ng isang ginang sa kanyang anak na kasalukuyang nagtatago makaraang patayin sa saksak ang sariling ama sa Tondo, Manila kahapon.
Tinutugis ngayon ng pulisya ang suspect na kinilalang si Galahad Adlawan, 16, 3rd year high school student, upang papanagutin sa ginawang pagpatay sa sariling ama na si Orlando Adlawan, tubong Masbate, ng 468 Area Parola, Tondo.
Sinabi ni Chief Insp. Juanito Taluban ng WPD Homicide, ang suspect ay nahaharap sa kasong parricide na may katumbas na kaparusahang bitay ay kasalukuyang pinaghahanap ng kanyang mga tauhan.
Ang biktima ay huling nakitang buhay na ginugulpi nito ang asawa habang nasa impluwensiya ng alak.
"Anak, sumuko ka na," ito ang pakiusap ni Aling Thelma Adlawan nang kapanayamin ng mga mamamahayag matapos na humarap sa imbestigasyon.
Batay sa imbestigasyon ni Det. SPO4 Alfredo Salazar, lasing na dumating si Orlando mula sa pakikipag-inuman nang madatnan nito ang asawa na abalang naghahanda ng hapunan.
Nang makita na wala pang nakahaing pagkain sa mesa, dinampot nito ang pitsel na puno ng tubig at hinampas sa mukha ng misis.
Dumating ng bahay si Galahad na nagdurugo ang mukha ng ina habang ginagamot nang tanungin nito ang nakababatang kapatid kung sino ang may kagagawan, itinuro nito ang kanilang ama.
Sa awa sa sariling ina at galit na namumuo sa kanyang dibdib ay dinampot nito ang kutsilyo sa mesa saka sinugod ang ama na noon ay nakatalikod at sinaksak ng isang beses sa likod.
Isinugod sa Gat Andres Hospital ang matandang Adlawan at doon binawian ng buhay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am