^

Metro

Lamay hinagisan ng pillbox dahil sa ingay: 5 sugatan

-
Lima katao kabilang ang isang barangay chairman ang mga nasugatan matapos na masabugan ng pillbox na inihagis ng tatlong lalaki na nairita sa ingay ng mga bisita sa isang lamay, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Chairman Carmelito Gonzaga, ng Brgy. Ilaya, Mandaluyong; mga residenteng sina Napoleon Clerigo, 26, overseas contract worker (OCW); Raul Escudero, 30, empleyado ng isang printing press at dalawa pang hindi nakilalang residente.

Naaresto naman ang isa sa mga suspect na nakilalang si Gilbert Rabe, 24, habang nakatakas naman ang dalawa niyang kasamahan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng barangay hall ng naturang lugar kung saan isang lamay ang nagaganap.

Nabatid na hindi umano makatulog ang mga suspect na nakatira sa isang barung-barong sa ilalim ng Mandaluyong-Makati bridge at inis na nagtungo ang tatlo sa umano’y maiingay na bisita ng naturang burol.

Dito naghagis ng isang pillbox na sumabog sa gitna ng mga tao. Dahil sa lakas ng pagsabog, nabasag ang mga salamin ng barangay hall at maging ang ataul ng bangkay.

Hinabol naman ni Gonzaga ang mga suspect sa kabila ng sugat niya ngunit agad siyang sinuntok sa mukha ng suspect na si Rabe. Dito na umano siya nagbunot ng kanyang kalibre .38 baril at tinutukan ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BRGY

CHAIRMAN CARMELITO GONZAGA

DAHIL

DANILO GARCIA

DITO

GILBERT RABE

MANDALUYONG CITY

NAPOLEON CLERIGO

RAUL ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with