^

Metro

Import player ng Sta.Lucia, inireklamo

-
Ipinagharap ng reklamo ng isang 24-anyos na binata ang import player ng koponang Sta. Lucia Realty na si Damian Owen matapos nitong suntukin ang una makaraang pagsabihan sa ginawang pambabastos nito sa kasamang dalaga ng biktima sa loob ng isang disco house sa isang five-star hotel sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Si Owen, isang American national ay sinampahan ng kasong physical injury sa Makati City Police dahil umano sa ginawang panununtok sa biktimang si Vicente Jose Campa, 24, ng East Greenhills, Mandaluyong City na nagtamo ng pasa at bukol sa kaliwang mukha.

Ayon sa sinumpaang reklamo ni Campa kay SPO1 Lewelie Cristobal, naganap ang insidente dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw sa loob ng Else Disco ng Manila Intercontinental Hotel sa Ayala Avenue.

Nabatid na binastos ng nasabing player ang kasamang babae ni Campa, kaya’t ang ginawa ng huli ay pinagsabihan ang una na ikinagalit naman nito.

Dahil dito, sinuntok ng basketbolista ang binata hanggang sa magkaroon ng komosyon sa nasabing disco house. Matapos ang insidente agad na nagtungo sa pulisya ang biktima at nagharap ng reklamo laban sa basketbolista. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA AVENUE

CAMPA

DAMIAN OWEN

EAST GREENHILLS

ELSE DISCO

LEWELIE CRISTOBAL

LORDETH BONILLA

LUCIA REALTY

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with