Dobleng bitay sa parking boy na gumahasa at nanghawa ng 'tulo' sa kanyang stepdaughter
October 18, 2001 | 12:00am
Dobleng kamatayan ang naging hatol ng hukuman kahapon sa isang parking boy na gumahasa sa kanyang 8-anyos na stepdaughter na nahawahan pa niya ng sakit na tulo na naganap noong nakaraang taon sa Pasay City.
Sa walong pahinang desisyon ni Pasay City Regional Trial Court, Branch 109 Judge Lilia Lopez, nakilala ang akusado na si Jaime Olaybar, 42, tubong Leyte at residente sa nabanggit na lungsod.
Bukod sa dalawang ulit na kamatayan, pinagbabayad rin ng korte ang akusado ng halagang P250,000 bilang danyos perwisyo sa kanyang biktima na itinago sa pangalang Janet.
Sa rekord ng korte, isinagawa ng akusado ang panggagahasa noong Setyembre 8, 2000 dakong alas- 7 ng gabi sa loob ng nakaparadang jeep at muling naulit noong Enero 16, 2001.
Nabatid na dahil sa panggagahasa ng akusado ay nahawa umano ng sakit na tulo ang bata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended